--Ads--

CAUAYAN CITY- Nasugatan ang isang motorcycle rider matapos na sumalpok sa papalikong AUV sa Purok 1, Barangay Minante II, Cauayan City, Isabela.

Halos matupi ang isang itim na Yamaha NMAX 155 na minamaneho ni Richard Villaflores ng Barangay Mabantad, Cauayan City dahil sa lakas ng pagkakabangga sa papalikong Mitsubishi Adventure na minamaneho ni Herminhildo Binoya ng Barangay San Antonio, Cauayan City.

Sa initial information na nakuha ng Bombo Radyo Cauayan galing sa Barangay Sillawit ang AUV at papaliko sana sa isang hardware para bumili ng plywood ng mangyari ang aksidente.

Batay sa pulisya pinagbigyan umano ng isa pang sasakyan na makaliko papasok ng hardware ang AUV subalit nagovertake sa kaliwa ang motorsikolo sanhi para sumalpok ito.

--Ads--

Dahil sa impact ay nabasag rin ang helmet ng rider habang wasak ang salamin sa passenger seat at nayupi ang kanang bahagi ng AUV.

Agad na dinala sa IUDMC ng rumespondeng kasapi ng Rescue 922 ang rider na nagtamo ng sugat sa katawan habang ligtas at walang anumang sugat ang driver ng AUV.

Sa ngayon ay dinala na sa Cauayan City Police Station ang mga sangkot na sasakyan para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.