--Ads--

CAUAYAN CITY – Inilipat sa ibang pagamutan ang isang biktima ng pambabato sa Brgy. Bacarenia, San Mateo, Isabela.

Unang dinala sa Integrated Hospital sa bayan ng San Mateo si Alexander Visaya, 17 anyos matapos mabato ang kanyang ulo ngunit inilipat sa ibang pagamutan dahil sa malubha ang kanyang tama.

Pauwi na ang biktima sakay ng motorsiklo nang bigla siyang batuhin sa Brgy. Bacarenia, San Mateo, Isabela

Nagsasagawa na ng pagsisiyasat ang mga pulis sa San Mateo upang malaman kung sino ang nasa likod ng nasabing pangyayari

--Ads--

Matatandaan, marami na ring reklamo ng pambabato sa nasabing bayan pangunahin na sa pambabato sa mga dumadaang pampasaherong bus.