--Ads--

Sugatan ang isang motorista matapos magsariling maaksidente sa boundary ng barangay Maligaya at Baculod, Cauayan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, dahil umano sa kalasingan ng motorista ay  nawalan ito ng control sa handlebar ng motor na naging sanhi ng aksidente.

Wala umano itong suot na anumang safety gear gaya ng helmet dahilan upang siya’y magtamo ng malaking sugat sa kaniyang noo.

Agad naman siyang dinala ng mga rumespondeng Rescue 922 sa pagamutan upang malapatan ng lunas tinamo nitong sugat.

--Ads--

Muling nagpaalala ang Rescue 922 sa publiko na ugaliing magsuot ng safety gear sa tuwing babaybay sa kakalasadahan at huwag magmaneho kapag nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin.