CAUAYAN CITY– Tinangay ng hindi pa kilalang suspek ang motosiklo ng isang meter reader sa Brgy San Fermin, Cauayan City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa biktima na si Ginoong Ildefonso Malanon, tatlumput limang taong gulang may asawa, meter reader ng Isabela Electric Cooperative at residente ng Cabaruan, Lunsod ng Cauayan, sinabi niya na ang kanyang motorsiklong Honda XRM na may plakang BF 66101 ay ipinarada niya sa labas ng isang videoke bar sa San fermin noong gabi ng sabado.
Nang kanya itong balikan ay nawawala na ang motorsiklo at bigong matagpuan sa kanyang paghahanap.
Hindi agad nakapagreport sa himpilan ng pulisya si Malanon noong hatinggabi ng sabado dahil sa wala ang mga dokumento ng kanyang motorsiklo.
Inamin ng biktima na mayroon siyang kapabayaan sa pagkakawala ng kanyang motorsiklo dahil nakalimutan niyang tanggalin ang susi nito.
Nakikiusap si Malanon sa sinumang makakita sa kanyang motorsiklo na ipagbigay alam nito sa kanya.
Mahigit isang taon pa lang na hinuhulugan ang kanyang motorsiklo.




