Nasungkit ni Filipina beauty queen Andrea Endicio ang korona bilang Miss Polo Universe 2026 sa ginanap na international pageant sa Dubai, United Arab Emirates nitong Setyembre 26.
Tinalo ni Endicio ang walo pang kandidata, kabilang ang kinatawan ng Filipino community sa UAE, para makuha ang titulo.
Bukod sa korona, naiuwi rin niya ang ilang special awards gaya ng Best in National Costume, Best in Production Number, Best in Evening Gown at Miss Photogenic.
Dating Mutya ng Pilipinas Tourism International si Endicio at nakatakda sanang kumatawan sa Pilipinas sa Miss Tourism International bago magbago ang Philippine franchise.
Dahil sa kanyang tagumpay, dalawang international titles at isang runner-up finish na ang naiuwi ng mga kinatawan ng Mutya ng Pilipinas ngayong taon.






