--Ads--

CAUAYAN CITY– Nangangamba ang Department of Health (DOH) region 2 sa mababang bilang ng mga nagpapabakuna kontra Japanese encephalitis.

Lumabas sa talaan ng DOH na ang region 2 ang may pinakamaraming kaso ng Japanese encephalitis sa bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Regional Director Rio Magpantay ng DOH region 2 ang kanyang pangamba dahil sa kakaunti pa lamang ang mga magulang na nagpabakuna sa kanilang mga anak kontra Japanese encephalitis.

Sa kasalukuyan ay nasa 15% pa lamang ang mga nagtungo sa mga health centers sa rehiyon upang magpabakuna.

--Ads--

Sa ngayon ay puspusan na ang information drive ng DOH region 2 kaugnay sa nasabing sakit upang mapabakunahan na ng mga magulang ang kanilang mga anak na edad mula 9 na buwan hanggang 59 buwan.

Ang tinig ni Dr. Rio Magpantay