Tinanggihan ng Pre-Trial Chamber I ng International Criminal Court (ICC) ang apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na alisin sa pagdinig ang dalawang hukom na sangkot sa pagresolba sa usapin ng hurisdiksyon ng tribunal kaugnay ng kaso laban sa kanya.
Ito ay nakasaad sa isang apat-na-pahinang desisyon na may petsang Mayo 6 at nilagdaan ni Presiding Judge Lulia Antoanella Motoc.
Dahil dito, mariing ibinasura ng chamber ang imbitasyon ng kampo ni Duterte “in limine”
Matatandaang naghain ang kampo ni Duterte ng pagtutol sa hurisdiksyon ng ICC sa Pilipinas.
Sa parehong araw, naghain din ang depensa ng isang “Invitation to petition the Presidency for a partial Excusal” nina Judge Reine Adélaide Sophie Alapini-Gansou at Judge María del Socorro Flores Liera mula sa pagtupad ng kanilang tungkulin sa Pre-Trial Chamber I kaugnay ng usapin sa hurisdiksyon, bunsod ng umano’y “posibleng bias.”
Nauna nang inaprubahan ng dalawang nabanggit na hukom ang pagsasagawa ng paunang imbestigasyon laban kay Duterte.