--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ang tindero ng isda na nagbebenta rin ng illegal na droga sa Mallig, Isabela.

Sa isinagawang drug buy bust operation ng mga kasapi ng Mallig Police Station ay nadakip si Richard Delos Santos, 44 anyos, may-asawa, tindero ng isda at residente ng Compania, Tumauini, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Sr. Insp. Michael Angelo Tubania, hepe ng Mallig Police Station na napag-alaman nilang bukod sa pagbebenta ng isda ng suspek ay nagbebenta rin umano ng droga .

Ang kanyang mga binebentahan ng droga ay mga kapwa nagtitinda sa mga palengke sa iba’t ibang mga bayan sa Isabela.

--Ads--

Modus anya ni Delos Santos ang pagbebenta ng mga isda sa iba’t ibang mga bayan na may kasamang pagbebenta ng illegal na droga.

Dahil dito nagsagawa ng drug buy bust operation ang pulisya laban sa suspek at dito nasamsam sa kanyang pag-iingat ang isang sachet ng illegal na droga, buy bust money at Cal. 38 baril na may 3 bala.

Bukod sa kakaharaping kasong paglabag sa Republic Act 9165 ay mahaharap din sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 ( illegal possession of firearms )

Sa pakikipag-ugnayan ng PNP Mallig sa PNP Tumauini ay nakumpirmang si Delos Santos ay sumailalim sa Community base rehabilitation Program at dito nakumpirmang hindi nagbago sa kanyang masamang gawain.