--Ads--

CAUAYAN CITY- May paglilinaw ang Cauayan City Agriculture Office sa pagkakaaresto ng dalawang indibiduwal na nagbebenta ng hybrid rice seeds na pag mamay-ari ng Department of Agriculture.

sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Agriculturist Engr. Ricardo Alonzo, sinabi niya na nakarating sa kanilang kaalaman na ang mga binhing ibinebenta ng dalawa ay mula pa sa Nueva Ecija na may kabuuang bilang na 310 bags at nagkakahalaga ng 1,100 per bag na tumitimbang ng tatlong kilo kada bag.

Nilinaw niya na kung susumahin ay naglalaro lamang sa humigit kumulang 300,000 pesos ang halaga ng mga nasabat na binhi taliwas sa nakasaad sa ulat ng CIDG Isabela na 1.7 million pesos.

Ayon kay Engr. Alonzo batay na rin sa mga operatibang nagsagawa ng entrapment operation napag kasunduan nila ni alyas Wena ang halagang 900 pesos para sa mga binhi na unang inakala na kada kilo ang bayaran kaya nag handa ang mga operatiba ng 900,000 pesos na boodle money o buy bust money at umabot ng 1.7 million pesos ang estimated na presyo ng lahat ng mga nakumpiska mula sa mga suspect kasama na ang L300 van na pinagsakyan ng mga binhi.

--Ads--

Batay sa kanilang verification lumalabas na ang mga binhi ay produced pa noong November 2024 at allocated ng DA para sa dry season na sana ay distributed na noong Disyembre hanggang Enero kaya lumalabas na ang mga ito ay old stocks.

Sa katunayan aniya ang DA ay nagbibigay ng seed allocation sa bawat Bayan kung saan ang distribution ay nagaganap sa barangay at ang tanging beneficiaries dito ay mga magsasakang rehistrado sa RSBSA.

Bagamat ang LGU ang nagpaparecieve nito sa mga magsasak ay may iilang magsasaka aniya ang bumibili at nagbebenta parin ng mga binhi na mula sa Nueva Ecija na umano’y pinapadala sa pamamagitan ng bus na papunta dito sa Lunsod ng Cauayan saka ibebenta ng mura.

Dahil mura ay sinasamantala umano ito ng ilang negosyante bago i-resell sa mga magsasaka na may malaking patong.

Paglilinaw pa niya na kapag may allocation na hindi na ipamahagi lahat ang natirang binhi ay ibinabalik sa Department of Agriculture for safe keeping at ang mga sobrang binhi ay saka naman ipapamahagi sa mga bayan na mas nangangailangan o nagkulang sa seed allocation.