--Ads--

CAUAYAN CITY – Sasampahan ng kaso ang isang drayber ng van matapos mahuli ng mga kasapi ng Bayombong Police Station sa Zamora Extension, Barangay Don Mariano Perez.

Ang nahuli ay si Elmer Cabratilla, 29 anyos, may-asawa, tsuper at residente ng Mangkayan, Benguet.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Senior Inspector Jolly Villiar, ang Deputy Chief of Police ng PNP Bayombong, sinabi niya na nagreklamo sa kanilang himpilan ang biktima na isang 26 anyos na kawani ng pamahalaan dahil ninakawan siya.

Kaagad na nagsagawa ng operasyon ang PNP Bayambong at nakita ang suspek batay sa ibinigay na deskripsyon ng biktima.

--Ads--

Nakipag habulan at lumaban ang suspek sa mga pulis at nagpaputok ng baril, hindi ito kaagad nahuli dahil tumalon sa sapa bago nila nahuli.

Bagama’t hindi nakuha sa pag-iingat ng suspek ang baril inamin naman niya na mayroon siyang dalang baril at nahulog din ito ng tumalon siya sa sapa.

Inihayag pa ni Senior Inspector Villar na hindi nila inaalis ang posibilidad na ang suspek ay ang mga nasa likod din ng kasong robbery with rape kung saan batay aniya sa pagpapahayag ng biktima, tinutukan siya ng baril at pilit na pinaghuhubad ngunit ng makuha na ang kaniyang mga gamit ay sumigaw kaya kaagad na tumakbo palayo ang suspek.

Magugunitang taong 2006 nang nagkaroon ng kasong robbery with rape kung saan ninanakawan ang mga biktima saka ginagahasa.