--Ads--

CAUAYAN CITY– Hindi na bago ang suliranin sa political killings sa bansa dahil kakambal dito ng mga political dynasty.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Political analyst Michael Henry Yusingco na kung dadami ang mga political dynasty sa bansa ay lalala rin ang mga karahasan may kaugnayan sa pulitika.

Hindi lang ito dapat lutasin ng mga alagad ng batas kundi Kailangan ang longterm solution na dapat gawin ng Kongreso.

Ayon kay Atty. Yusingco, kung dadalo si Congressman Teves sa pagdinig ng Senado ay maaari siyang tanungin kung ano ang masasabi niya ang paglala ng political violence.

--Ads--

Maaaring mayroon siyang masabing insigts para matulungan ang mga alagad ng batas na malutas ang mga krimen na may kaugnayan sa pulitika.

Kabilang din sa maaaring itanong sa kanya ang mga factors na nagpapalala sa political violence sa kanilang lugar. Maaari aniyang kabilang dito ang kahirapan, mga nagkalat na baril na walang lisensiya o tunggalian ng mga kapwa niya political dynasty na may iiringan.

Ayon kay Atty. Yusingco, hindi masasabi na terrotistic activity ang pagpatay kay Gov. Degamo dahil krimen lang ito na maaaring resulta ng tunggalian sa pulitika.

Ang terorismo aniya ay nagdudulot ng malawakang takot o terror at halimbawa nito ang pagkubkob noon ng mga terorista sa Lunsod ng Marawi.

Ang pahayag ni Political analyst Michael Henry Yusingco.