CAUAYAN CITY- Bumisita sa lungsod ng Cauayan ang National Police Commission (NAPOLCOM) Isabela upang inspeksyunin ang Cauayan City Component Police Station.
Ito ay bahagi ng ginagawang aksiyon ng NAPOLCOM na bumisita sa mga Police station upang magsagawa ng assesment sa mga uniformed personnel nito.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Police Inspector III Christopher Binoya, Provincial Officer ng NAPOLCOM Isabela, sinabi niya na ang assesment, inspection at monitoring sa mga aktibidad na ginagawa ng mga pulis
Ito ay upang malaman kung sapat ang personnel na mayroon ang isang partikular na presinto at para makita kung natutugunan nito ang pangangailan ng kani kanilang nasasakupan
Layunin din nito na malaman ang performance ng bawat police station at kung ano ang reaksiyon ng publiko sa mga pulis na nasa kanilang bayan
Iginiit din ng Provincial Officer na hindi lang mga personnel ang kanilang inaasses kundi maging ang pasilidad at kagamitan na mayroon ang isang istasyon
Laking pasasalamat din nito sa mga nakaupong opisyal ng pamahalaan sa suportang ipinagkakaloob nila sa mga pulis
Gaya na lamang dito sa lungsod ng Cauayan, aniya malaking bagay ang ipinagkaloob na mga bagong motorsiklo sa mga pulis.
Dahil dito aniya ay mas magagawa ng mga awtoridad ang kanilang trabaho at makatugon sa panawagan ng chief pnp na makaresponde agad sa mga insidente











