--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagpapatuloy ang ginagawang pagsisiyasat ng mga otoridad sa halos 2 million pesos na halaga ng floating shabu na narekober sa karagatan ng Batanes.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay LtCol Giovannie Cejes ang PIO and Chief ng Police Community Affairs Unit, sinabi niya na isang mangingisda ang nakakita at nag turn over ng isang sako ng hinihinalang shabu sa dalampasigan ng Barangay Chanaryan, Basco, Batanes.

Laman ng sako ang 24 vacuum heat-sealed packs at isa pang nabuksan na may markang DAGUANYING refined chinese tea, lahat ay naglalaman ng white crystalline substance na pinaghihinalaang droga.

Ang mga kontrabando ay may total na timbang na tinatayang 24.5 kilos na may estimated street value na ₱166.6 milyon.

--Ads--

Aniya hindi naman ito ang unang beses na makarekober sila ng floating shabu sa katubigan ng Batanes kaya naman noon pa man ay aktibo ang kanilang binuong asosasyon kontra iligal na droga.

Aniya binibigyan nila ng instruction o kaalaman ang mga mangingisda sa kung ano ang kanilang gagawin kung makarekober ng droga sa karagatan.

Aniya bahagi ng proseso ang pag turn over ng droga sa PNP para sa imbentaryo, sealing at labeling.

Hinimok naman niya ang publiko na agad ipabatid sa mga otoridad ang anumang matutuklasang iligal na droga.

Sa pamamagitan naman ng Project Spice ay sisikapin ng Police Regional Office 2 na matukoy kung saan talaga nagmula ang naturang mga kontrabando.