--Ads--

Hindi nakiisa ang National Public Transport Coalition o NPTC sa ginawang 3-day jeepney strike ng grupong manibela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay NPTC convenor Ariel Lim sinabi niya na hanggat maaari ay mananatili siyang neutral.

Kung matatandaan aniya ay matagal na niyang ipinapanawagan ang dayalogo sa Department of Transport o DOTr dahil sa usapin ng modernisasyon.

Una naring inihayag ng DOTr na nakahanda silang mag bigay ng libreng sakay para sa mag apektadong pasahero matapos na ianunsyo ang pagnanais nilang magdagdag ng bus unit at tren, gayunman may mga transport group parin na nais na magkasa ng strike para naman isulong ang modernization program.

--Ads--

Hiling niya ngayon sa kapwa nasa sector ng transportasyon na sahalip na mag strike ay idaan na lamang ito sa dayalogo para talakayin ang problema.

Sa katunayan aniya hanggang ngayon ay napakarami parin talagang hindi malinaw kaugnay sa modernisasyon kabilang ang mangyayari sa mga consolidated jeepney units kung sakaling hindi man ipagpatuloy ang modernization program ng Pamahalaan.

Ilan sa mga nakikitang problema dito ay ang usapin ng prangkisa na maaaring lamang masolusyonan ito kung pakikinggan ng DOTr ang problema at tiyaking hindi mawawalan ng hanap buhay ang mga mag papaconsolidate.