CAUAYAN CITY- Pinangunahan ng Department of Science and Technology (DOST) region 2 at Department of Agriculture (DA) region 2 ang National Scientific Forum for Corn Production and Utilization sa Ilagan City.
Layunin ng National Scientific Forum for Corn Production and Utilization ang pagkakaroon ng philippine Corn Research and Development Institute sa Isabela.
Ito ay dahil ang Isabela ang nagbibigay ng malaking produksiyon ng mais sa bansa.
Layunin din nitong mabigyan ng impormasyon ang mga magsasaka ng mga makabagong pamamaraan sa pagtatanim ng mais sa Isabela upang mapalakaas ang kanilang produksiyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Provincial Director Marcelo Miguel ng DOST Isabela na kinakailangang mapaganda ang kalidad ng mga aning mais sa lalawigan sa pamamagitan ng mga pagpapakilala ng mga makabagong teklohiya.
Ang National Scientific Forum for Corn Production and Utilization ay bahagi pa rin ng Mammangi Festival sa Ilagan City.




