--Ads--

Sinimulan na ng NATO ang bago nitong misyon na “Arctic Sentry” upang palakasin ang presensya ng alliance sa Arctic at High North matapos ang naging banta ng United States na sakupin ang Greenland.

Ayon sa opisyal na pahayag nitong Pebrero 11, sinabi ng NATO na ang Allied Command Operations ay nagsimula na ng Arctic Sentry bilang tugon sa security issues sa rehiyon.

Ang mission ay nabuo matapos ang pulong nina U.S. President Donald Trump at NATO Secretary-General Mark Rutte noong nakaraang buwan sa Davos, Switzerland, kung saan nagkasundo ang dalawang lider na dapat kolektibong tumulong ang NATO sa defense ng Arctic, dahil sa Russia’s military activity at China’s growing interest.

Sinabi rin ni U.S. Air Force Gen. Alexus Grynkewich, na namumuno sa NATO’s military command sa Europe, na ang Arctic Sentry ay nagpapakita ng commitment ng alyansa na protektahan ang miyembro nito at panatilihin ang stability.

--Ads--