--Ads--

Nakahanda anumang oras ang National Bureau of Investigation sakaling maglunsad ng all-out operation sa pagtugis kay Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.

Sinabi ni NBI Director Melvin Matibag, na hindi maiiwasan ang madugong engkuwentro kapag isinagawa ang operasyon.

Dagdag pa nito na dahil sa dating Philippine National Police (PNP) chief si Dela Rosa ay tiyak na mayroong mga kaibigan ito mula sa serbisyo ang nagpoprotekta sa kaniya.

Isa sa mga dahilan na maaring magkaroon ng engkuwentro ay dahil sa hindi pa naisusuko ng Senador ang lahat ng kaniyang mga armas.

--Ads--

Lahat aniya ng kaparaaanan ay kanilang gagawin para maiwasan ang anumang madugong engkuwentro.

Magugunitang sa buwan ng Nobyembre ay mag-iisang taon na ng maipalabas ng International Criminal Court (ICC) ang warrant of arrest kay Dela Rosa dahil sa pagiging bahagi nito sa war on drugs noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.