--Ads--

Nakapagtala ng mahigit limandaang kaso ng Scam at Estafa ang NBI Region 2 noong 2024.

Sa naging pag-uulat ni Atty Victor John Paul Ronquillo, Regional Director ng NBI Region 2 sa ginanap na UP – UP Cagayan Valley, sinabi niya na umabot sa 973 ang mga kaso na kanilang naitala nitong nakaraang taon.

Ang NBI-Cagayan Valley Regional Office na sakop ang Cagayan ay nakapagtala ng 273 na kaso na sinundan ng NBI-Isabela District Office na sakop ang buong Isabela  na nakapagtala naman ng 174 na kaso.

Pinakamaraming naitalang kaso ang NBI-Bayombong District Office na sakop ang Nueva Vizcaya, Ifugao at Quirino ay nakapagtala ng 498 na kaso.

--Ads--

Ang bagong tanggapan naman ng NBI-Lallo District ay nakapagtala ng 28 na kaso.

Aniya sa 973 na kaso noong 2024 ay naifile na sa piskalya ang 346 sa mga ito.

Pinakamarami naman sa mga naitalang kaso ay sa Estafa/Scam/Swindling na may 558 na kaso o 57.34%, pangalawa ang Malversation o Bribery na 68 o 6.98%, Illegal Recruitment na 68 o 6.98% at pang apat ang Forgery o Falsification of documents na 36 o 3.69%.

Panglima ang Robbery o Theft na 16 o 1.64% at Murder na 14 o 1.44%.

Maliban dito, ilan sa mga operasyon ng NBI Region 2 ay ang pagkakahuli sa dalawang indibidwal na nag-iissue ng pekeng NBI Clearance sa bahagi ng Tuguegarao City Cagayan.

Nahuli naman ng NBI Lallo District Office at NBI-Cagayan Valley Regional Office ang dalawang traffickers at narescue ang limang biktima na kinabibilangan ng tatlong menor de edad.

Nakakumpiska rin ang mga counterfeit products sa apat na tindahan sa Tuguegarao City habang nasa P15.4 milyon na halaga ng Marijuana ang naeradicate sa bahagi ng Kalinga.