CAUAYAN CITY- Nanawagan ang hanay ng National Commission on Indegenous People o NCIP sa mga estudyanteng miyembro ng IP Community na bukas ang kanilang opisina sa pagtanggap ng mga scholars.
Ayon kay Education Focal Person Shehemia Pumihic ng NCIP Cauayan, matagal nang may proyekto ang opisina na scholarship sa mga kababayan natin nasa IP Community.
Aniya, ngayong taon ay mga scholars din sila na nakakakuha ng financial support mula sa educational grant ng opisina.
Ayon sa Educational Focal Person, maari nang magtungo sa opisina ang mga nais magpasa ng mga requirements.
Ngunit bago aniya nito ay magsasagawa ng assesment ang ang NCIP kung talagang kabilang sa IP community ang isang indibidwal na nais kumuha ng scholarship.
Sakaling pumasa, dito na ibaba ng opisina ang mga kakailanganing dikumento upang makakuha ng scholarship grant.
Dagdag pa ng Focal Person, ang mga nasa coastal area naman ay maaring samantalahin at magpasa ng kanilang mga dokumento sa isinasagawang field visit ng opisina.
Ikinatuwa rin nito na kahit papaano ay may mga scholar na talagang pinapahalagahan ang pagkakataon upang makapag aral.








