--Ads--
CAUAYAN CITY – Patay ang isang negosyante matapos pagbabarilin kagabi sa Barangay Bugallion Proper Ramon, Isabela.
Ang biktima ay si Crisencio Agdippa, 52 anyos.
Lumalabas sa imbestigasyon ng mga miyembro ng Ramon Police Station na tinambangan at pinagbabaril ng riding in tandem criminals ang biktima.
Matapos ang pamamaril ay tinangay pa ng mga di pa kilalang suspek ang kanyang motorsiklo at mabilis na tumakas.
--Ads--
Wala pang malinaw na motibo sa krimen at patuloy ang malalimang imbestigasyon ng pulisya.