--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang isinasagawang Anti-illegal Drug Buy Bust Operation ng iba’t ibang himpilan ng pulisya sa lsabela.

Sa bayan ng Tumauini, isang newly identified drug personality ang nadakip ng mga kasapi ng Tumauini Police Station sa isinagawang drug buy bust operation.

Nadakip si Arjay Salvador , 21 anyos, binata, waiter at residente ng Brgy. Lingaling, Tumauini, Isabela.

Nasamsam kay Salvador ang 2 sachet ng hinihinalang shabu, dalawang piraso ng heat foil, 54 na piraso ng empty sachet, lighter at isang digital scale.

--Ads--

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 ( Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa suspek.