--Ads--

CAUAYAN CITY- Nahuli ng mga otoridad ang isang binata matapos masamsaman ng hinihinalang shabu sa Purok 2 Calaocan, Santiago City.

Ang suspek ay si Jimmy Boy Agcaoili, labing siyam na taong gulang, binata, tsuper ng tricycle at residente ng Malvar, Santiago City.

Si Agcaoili ay maituturing na newly identified drug suspect sa lunsod.

Pinamunuan ni Police Chief Inspector Rolando Gatan, Station 1 ng Santiago City Police Office sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang isang drug buy bust operation.

--Ads--

Nasamsam sa suspek ang isang heat sealed sachet ng hinihinalang shabu at marked money makaraang bentahan ang pulis na nagsilbing poseur buyer.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ) laban sa suspek.