--Ads--

Sisimulan na ng National Food Authority (NFA) ang pagbili ng mais mula sa mga lokal na magsasaka sa susunod na taon.

Ito ang inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa presentas­yon ng 50th Gawad Saka National Awardees and Ugnayan with Farmers sa Science City Muñoz, Nueva Ecija.

Ayon sa Pangulo, bumabalik na tayo sa dating trabaho ng NFA na pagbili ng  rice at corn.

‘’Puwede ko na rin i-announce, ‘yung NFA bibili na rin ng mais. Bumabalik tayo doon sa dating trabaho ng NFA, na rice and corn. Rice and corn talaga ‘yung NFA,’’ sabi ng Pangulo.

--Ads--

Sisimulan ang nasabing proyekto sa susunod na taon sa sandaling magkaroon na ng budget. Plano rin aniya ng pamahalaan na gawin ito sa mga piling lugar sa bansa.

Sa ilalim ng mandato ng NFA, inaatasan sila na mapanatili na sapat ang rice buffer stocks na magmumula sa mga local farmers.