--Ads--

CAUAYAN CITY- Tinitiyak ngayon ng National Food Authority o NFA Cauayan at Luna na walang traders ang makakalusot sa pagbebenta ng palay sa kanilang tanggapan.

Ayon kay House Supervisor Ronald Acosta ng NFA Cauayan at Luna, sinabi niya na hindi nawawala sa kanila ang pangamba na baka samantalahin ng mga traders ang mataas na presyo ng palay sa NFA.

Sa ngayon kasi ay P24 na ang presyo ng dry at P18 pesos naman ang sariwa, mas mataas ito kung ikukumpara sa mga private traders na P18 lamang ang presyo ng dry at P14 naman sa sariwa.

Aniya, lahat ng nagbebenta sa NFA ay kinukuhanan ng dokumento o katibayan mula sa Municipal Agriculture Office (MAO) patunay na sila ay small farmer lamang.

--Ads--

Sa katunayan aniya ay mayroon lamang 7 hectares o 700 na bags ng palay ang pwedeng ibenta ng bawat farmer kaya hindi makakalusot ang mga private traders na mayroong libo-libong bag ng palay.

Sa ngayon ay mayroon ng 400 na magsasaka ang nakapagpa schedule sa pagbebenta ng palay subalit 1,000 na bag lamang ang pwede nilang i-procure sa loob ng isang araw.

Sinusuri naman aniya nila ang 400 magsasaka upang makasiguro na walang mapagsamantalang traders sa mga ito.

Bagaman isa sa requirement sa pagbebenta ng palay ay ang RSBSA stab ng isang magsasaka na inisyu ng Department of Agriculture, aminado naman ang NFA na hindi nila kayang kontrolin sakali mang may anumalyang nagaganap sa pagitan ng magsasaka at traders.