--Ads--

Bahagyang tumataas ang antas ng tubig sa Magat Dam ayon sa National Irrigation Administration – Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS).

As of 8:00 nitong umag ng Lunes ay nasa 187.0 ang water elevation ng Dam at nananatili pa ring nakabukas ang isang spillway gate nito na may isang metrong opening.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Gileu Michael Dimoloy, Department Manager ng NIA-MARIIS, sinabi niya na ang bahagyang pagtaas sa elebasyon ng tubig ay bunsod ng mga pag-ulang dala ng bagyong Ramil dahilan upang umabot sa halos 1,500 cubic meters per second kagabi.

Gayunman, batay sa kanilang obserbasyon ngayong umaga ay bumaba na ang inflow o ang volume ng pumapasok na tubig sa dam na nasa 1,227 cms na lamang habang 493 cms naman ang outflow.

--Ads--

Dahil dito ay wala pang plano ang NIA-MARIIS na magdagdag ng papakawalang tubig lalo at papalayo na ang bagyong Ramil maliban na lamang kung mayroong mga forecasted na pag-ulan sa mga susunod na araw.