--Ads--

Arewstado ang isang Most Wanted Person sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. Amistad, Alicia, Isabela.


Bandang alas-10:00 ng umaga nitong March 13, 2026, matagumpay na naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Alicia Municipal Police Station (lead unit) katuwang ang Police Intelligence Unit/Provincial Drug Enforcement Unit ng Isabela Police Provincial Office (PIU/PDEU-IPPO) at 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company (2nd IPMFC) ang suspek na kinilala sa alyas na “Joker,” 23 taong gulang, binata, negosyante at residente ng Brgy. Amistad, Alicia, Isabela.


Ang pag-aresto sa suspek ay isinagawa sa bisa ng Mandamiento De Aresto l na inisyu noong February 8, 2023 ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 29, Bayombong, Nueva Vizcaya, kaugnay ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Multiple Physical Injuries and Damages to Property na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng Php240,000.00.


Matapos maaresto, ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatang konstitusyonal alinsunod sa Miranda Doctrine at dinala sa Alicia Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon bago ito i-turn over sa kaniyang court of origin.

--Ads--