--Ads--

Nag-viral ang isang American clothing company matapos ilunsad ang t-shirt na sinasabing kayang manatiling walang amoy kahit hindi labhan sa loob ng 30 araw.

Ayon sa HercLeon, ang kanilang HercShirt V5.0 ay gumagamit ng mga espesyal na materyales tulad ng copper, silver, zinc, gold, at volcanic ash na direktang hinabi sa tela upang makatulong na maiwasan ang pagdami ng bacteria at pagsipsip ng amoy.

Sinabi ng kumpanya na dahil hindi ito kailangang labhan nang madalas, mas tumatagal din ang buhay ng damit kumpara sa karaniwang t-shirt.

Nagkakahalaga ang produkto ng 79 US dollars o humigit-kumulang P4,900 at inaasahang magiging available sa Nobyembre. Maglalabas din ang kumpanya ng iba pang kulay sa mga susunod na buwan.

--Ads--

Mayroon ding mas murang bersyon na nagkakahalaga ng 39 US dollars o nasa P2,400 na kayang manatiling presko sa loob ng tatlong araw ng matinding paggamit.