Kinakailangang gumawa ng konkretong hakbang ang pamahalaan upang matugunan ang labis na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.
Ito ang inihayag ng National Public Transport Coalition matapos magtaas ng halos limampiso kada litro ang presyo ng mga petroleum products.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay NPTC Convenor Ariel Lim, sinabi niya na bagama’t napagdesisyunan ng Department of Energy na paunti-unti ang pagpapatupad ng taas presyo ay hindi pa rin ito sapat dahil mararamdaman at mararamdaman pa rin ito ng taumbayan.
Hindi rin dapat naka-depende lamang ang pamahalaan sa pagbibigay ng ayuda lalo na at hindi naman ito pangmatagalang solusyon at hindi rin lahat nakikinabang dito.
Muli nitong iginiit na ang pinaka-mainam na solusyon ay ang pagtanggal pansamantala sa excise tax ng langis.
Naiintidihan umano niya na mahalaga ang tax ng langis dahil ito ginagamit na pondo para sa mga proyekto ng bansa subalit mayroon pa naman aniyang
Ayon kay Lim, pinag-iisipan na ng ilang grupo ng transportasyon ang pagsasagawa ng mga transport strike bilang paraan upang kalampagin ang gobyerno na dinggin ang kanilang panawagan.











