--Ads--

Nakapasok sa Final Four ng UAAP Season 88 women’s volleyball ang defending champion National University (NU) matapos talunin ang University of the East (UE), 25-19, 25-14, 25-14, noong Linggo sa UST Quadricentennial Pavilion.

Dahil sa panalo, umangat ang NU sa 9-3 karta at nakuha ang ikalawang Final Four spot, sa ikalimang sunod na season ng kanilang playoff appearance. Nasa solo second place rin ang Lady Bulldogs at may kalamangan sa Adamson at UST na parehong 7-5.

Ayon kay head coach Regine Diego, patuloy ang kanilang target na makuha ang twice-to-beat advantage at maabot ang finals.

Sa laro, bumawi ang NU mula sa dikit na simula ng third set sa pamamagitan ng 9-0 run upang tuluyang itakas ang panalo sa loob ng 84 minuto.

--Ads--

Nanatiling walang panalo ang UE sa 12 laro. Susunod nilang laban ay kontra La Salle sa Abril 15.