CAUAYAN CITY- Nadakip ng mga otoridad ang Number 1 Most Wanted Person Provincial Level na nahaharap sa kasong Statutory Rape at 2 counts of Rape through Sexual Assault.
Hindi na nakaligtas sa kamay ng mga otoridad si alyas “Rico”, 23 anyos na isang poultry helper na binansagang Top 1 Most Wanted Person-Provincial Level sa paglabag nito sa kasong Statutory Rape, at Rape through Sexual Assault (Two counts).
Kamakailan lamang ay nadakip ng nasabing suspek nang pinagsanib na pwersa ng tracker team ng San Manuel Municipal Police Station (lead Unit), PIU, IPPO, RIU 2 – PIT Isabela West, PIDMU, IPPO , at IPMFC, 3rd platoon si Alyas “Rico” 23-anyos.
Sa nasabing operasyon ay inihain sa suspek ang warrant of arrest na inisyo nito lamang ika-3 ng Abril ng Presiding Judge, Regional Trial Court, Second Judicial Region, Branch 23, Roxas, Isabela na walang inirekomendang piyansa para sa kasong Statutory Rape habang Php. 240,000.00 naman ang piyansa para sa kasong Rape through Sexual Assault (2 counts).
Pagkatapos ng operasyon, ang suspek ay dinala na sa San Manuel Police Station para sa dokumentasyon at disposiyon bago ipasakamay sa court of origin.