--Ads--

CAUAYAN CITY- Nadakip ang isang lalaki na itinuturing na number 4 most wanted person provincial level sa lungsod ng Cauayan, Isabela.

Ang akusado ay si Alyas “Rey” nasa wastong gulang, at residente ng Brgy. Bugallon, Cauayan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, dinakip ang akusado sa bisa ng Mandamiento De Aresto na inilabas noong Agosto 1, 2024 sa dalawang kaso ng panggagahasa.

Wala namang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

--Ads--

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng Cauayan City Police Station ang akusado para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon bago ipasakamay sa court of origin.