--Ads--

CAUAYAN CITY- Sugatan ang isang Nurse matapos bumangga ang minamaneho nitong SUV sa isang trailer truck sa Brgy.Magsaysay, Naguilian, Isabela.  

Ang nasugatan ay kinilalang si Lyra Goze, 54 years old, Nurse at residente ng nabanggit na lugar habang ang tsuper naman ng truck ay si Recto Pabon, 34- anyos at residente ng Sillawit, Cauayan City, Isabela.  

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt.  Mirasol Pelagio, Duty Officer of the day ng Naguilian Police Station sinabi niya na bago ang insidente ay binabagtas ng trailer truck ang pambansang lansangan patungong hilagang direction habang patungo naman sa kasalungat na direksyon ang SUV.  

Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente partikukar sa pakurbang bahagi ng daan ay napunta umano sa kabilang linya ang SUV.

--Ads--

Sinubukan naman itong iwasan ng kasalubong na trailer truck subalit nagpang-abot pa din ang dalawang sasakyan dahilan upang magtamo ng minor injury ang tsuper ng SUV habang maswerte naman na hindi nasaktan ang tsuper ng truck.

Nagtamo naman malubhang pinsala ang dalawang sasakyan at tinatayang nasa 500, 000 pesos ang natamong pinsala ng truck.