--Ads--
Hiniling ng Office of the Solicitor General sa Supreme Court na ibasura ang petisyon ni Sen. Bato dela Rosa laban sa pakikipagtulungan ng gobyerno sa International Criminal Court.
Iginiit ng OSG na maaaring ipatupad ng pamahalaan ang ICC arrest warrant batay sa batas at international obligations ng bansa.
Ayon din sa OSG, hindi maaaring humingi ng proteksyon sa korte ang isang taong umiiwas umano sa pag-aresto.
Dagdag pa ng OSG, hindi dapat gamitin ang batas bilang paraan para umiwas sa pananagutan.
--Ads--
Binigyang-diin din nila ang hustisya para sa mga biktimang hindi na nakapagsalita sa korte.
Ayon sa SOLGEN, huhusgahan ng kasaysayan ang nangyaring kawalan ng hustisya.











