CAUAYAN CITY – Humihingi ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Italy ng kongkretong kasagutan sa kanilang mga kahilingan sa pamahalaan ng Pilipinas.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan ka Nonieta Adena, Vice President ng OFW Watch sa Italy, sinabi niya na hanggang ngayon ay patuloy silang naghihintay ng mga kasagutan sa kanilang mga hinaing.
Nauna na silang sumulat sa konsulada at embahada ng Pilipinas sa Italy.
Ilan sa kanilang kahilingan ay pagkalooban ng Cash Aid ang mga OFWs na nawalan ng trabaho.
Nakakaramdam ngayon ng kahirapan ang mga OFW sa Italy na nawalan ng trabaho subalit hanggang ngayon ay wala pa silang natatanggap.
Malabo anya ang sagot ng embahada at konsulada ng Pilipinas sa Italy na maghintay sila ng tulong dahil isang buwan na silang naghihintay ay wala pang natatanggap na ayuda ang mga OFW na nawalan ng trabaho.
Muling nanawagan si Adena na ipagkaloob na sa kanila ang tulong ng pamahalaan sa mga OFW ngayong buwan.











