--Ads--
Nagpatupad ng dagdag presyo sa kada litro ng gasolina ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo ngayong umaga.
Sa magkakahiwalay na anunsiyo na inilabas ng mga kompanya ng langis sa bansa ipinatupad ang malakihang dagdag presyo na P1.20 sa kada litro ng gasolina habang wala namang paggalaw sa presyo ng diesel at kerosene.
Ang panibagong oil price hike na ipatutupad ng mga lokal na kompanya ay batay sa dikta ng pandaigdigang merkado ng presyo ng langis na dulot na rin ng mataas na pangangailangan sa langis ng maraming bansa.
Matatandaan na nito lamang nakaraang Martes ay nagpatupad ng bawas presyo na P2.90 sa kada litro ng diesel at P3.20 naman sa kada litro ng kerosene habang may bahagyang pagtaas sa kada litro ng gasolina na nasa P0.20.
--Ads--











