Usap-usapan ngayon ang posibleng bagong pag-ibig ni Olivia Rodrigo matapos siyang mamataang kasama ang isang non-showbiz na lalaki sa ilang pagkakataon.
Ayon sa mga ulat, ang lalaking iniuugnay sa singer ay si Julian Croonenberghs, isang finance professional na nagtatrabaho sa Wall Street. Lalong umigting ang espekulasyon matapos silang makitang magkasama sa Iceland at New York.
Pinaniniwalaang nagkakilala ang dalawa sa pamamagitan ng kapatid ni Julian na isang DJ at kabilang sa parehong social circle ni Olivia.
Sa isang kamakailang panayam, sinabi ni Olivia na nakikita rin niya ang kagandahan ng pakikipagrelasyon sa isang taong hindi kabilang sa showbiz.
Sa ngayon, wala pang opisyal na kumpirmasyon mula kina Olivia at Julian tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.





