Nanumpa na si outgoing Justice Secretary Crispin Remulla bilang bagong Ombudsman.
Nanumpa si Remulla kay Supreme Court Senior Associate Justice Marvic Leonen.
Kaugnay nito, itinalaga naman bilang DOJ Officer-in-Charge si Undersecretary Frederick Vida.
Si Remulla ang napili ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos mula sa shortlist ng Judicial and Bar Council para maging Ombudsman, kapalit ni Samuel Martires na nagretiro noong Hulyo 27.
Sa kanyang pagkakatalaga bilang Ombudsman, sinabi ni Remulla na hindi niya gagamitin sa pulitika ang posisyon at walang sisinuhin sa paghawak ng mga kaso.
Samantala, matapos makapanumpa tiniyak ni Ombudsman Remulla na tututukan ang usapin ng maanomalyang flood control project.
Sa isinagawang press conference ni Remulla, sinabi nito na mananatili ang kaniyang paninindigan sa naunang sinabi na walang siyang sasantuhin kahit pa kaalyado, kaibigan, o kamag-anak ang malalamang sangkot sa korapsyon.
Bukod sa isyu ng maanomalyang flood control projects, sisilipin at pag-aaralan din ni Remulla ang kaso ng Pharmally at ang isyu sa confidential funds ni VP Sara Duterte.











