Tinanggap ng Office of the Ombudsman ang naging desisyon ng Sandiganbayan Fifth Division na tanggihan ang mosyon ni Senator Jinggoy Estrada na muling repasuhin ang kaniyang 90-araw na preventive suspension kaugnay ng mga kasong nag-ugat sa flood control anomaly.
Sa inilabas na pahayag nitong Nobyembre 16, sinabi ng Ombudsman na sinang-ayunan ng Sandiganbayan ang posisyon ng prosekusyon na magkahiwalay ang mga kasong dinidinig sa Fifth Division at ang graft case na nakabinbin naman sa Second Division, kung saan dati nang sinuspinde si Estrada sa loob ng 90 araw.
Nilinaw ng Ombudsman na ang preventive suspension ay isang prosesong naglalayong mapanatili ang integridad ng paglilitis at hindi ito nangangahulugang may hatol nang pagkakasala laban sa senador.
Tiniyak din ng tanggapan na magpapatuloy ang pag-usad ng mga kaso batay sa mga nakalap na ebidensiya, alinsunod sa due process at habang kinikilala ang kalayaan ng hukuman at mga karapatan ng mga akusado.











