--Ads--

Ikinatuwa ni Gerald Anderson ang pagkakasama ng pelikulang On The Job sa aklat na 100 Sine. Film. Pelikula: The 100 Greatest Movies of Philippine Cinema na inilunsad sa Shangri-La Plaza sa Mandaluyong City.

Sa forum para sa book launch, aminado si Anderson na nakaramdam siya ng kaba at hiya dahil nakasama niya sa entablado ang ilan sa mga pinakamahuhusay at batikang artista, direktor, at producer sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Ayon sa aktor, malaking inspirasyon para sa kanya ang mga kuwento at karanasan ng mga beterano sa industriya at nagsilbing motibasyon upang lalo pa niyang pagbutihin ang kanyang trabaho bilang artista.

Binalikan din ni Anderson ang kanyang pagganap sa On The Job noong siya ay 21-anyos pa lamang, at sinabing naging mahalagang hakbang ito sa kanyang paglipat mula sa mga loveteam projects tungo sa mas seryosong pag-arte.

--Ads--