--Ads--

Ipinamalas ng Isabela Police Provincial Office ang pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad , mula Pebrero 20 hanggang 26, 2026, na nagresulta sa sunod-sunod na operasyon, pagkakaaresto, at pagkakakumpiska ng iba’t ibang ebidensya sa buong lalawigan.

Sa ilalim ng Republic Act 9165, nagsagawa ng walong operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng walong indibidwal at isang (1) boluntaryong sumuko. Nakumpiska ang kabuuang 7.45 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang Standard Drug Price na Php50,940.00.

Sa pagpapatupad ng Firearms Law, nakapagsagawa ng labingpitong (17) operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang (1) indibidwal at pagkakakumpiska ng isang (1) baril. Apat (4) na baril ang boluntaryong idineposito habang labindalawang (12) improvised firearms ang isinuko sa ilalim ng Kontra BOGA.

Sa kampanya naman laban sa mga taong may kinakaharap na kaso sa batas, umabot sa tatlumpu’t pitong (37) operasyon ang isinagawa laban sa Other Wanted Persons (OWP) na nagresulta sa pagkakaaresto ng tatlumpu’t siyam (39) katao.

--Ads--

Samantala, sa pagpapatupad ng Top Most Wanted Persons (TMWP), isang (1) Provincial Level ang naaresto sa operasyon ng Dinapigue Municipal Police Station, partikular ang Top No. 2 sa kasong pagpatay.
Sa ilalim ng PD 705 (Revised Forestry Code), dalawang (2) indibidwal ang naaresto sa isang (1) operasyon at nakumpiska ang 963.15 board feet ng kahoy na may tinatayang halagang Php48,157.50 sa aksyon ng Jones Municipal Police Station.

Sa paglabag sa RA 9175 (Chainsaw Act), dalawang (2) indibidwal ang naaresto at isang (1) chainsaw ang nakumpiska, gayundin sa ilalim ng PD 533 (Anti-Cattle Rustling Law), dalawang (2) suspek ang naaresto sa operasyon .

Anim (6) na indibidwal naman ang naaresto sa paglabag sa RA 8550 (Fisheries Code) sa operasyon ng Delfin Albano Municipal Police Station, kung saan nakumpiska ang mga improvised electro-fishing devices at iba’t ibang uri ng hito na may tinatayang halagang Php6,500.00.

Sa pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa, kabuuang 2,322 indibidwal ang naaksyunan: 2,104 ang pinagmulta at 218 ang pinaalalahan. Umabot sa Php1,030,237.00 ang kabuuang halagang nakolekta.