--Ads--

Naglabas na ng official price ang National and Food Authority (NFA) Isabela para ngayong harvest season.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Assistant Branch Manager Atty. Rhic Fabian ng NFA Isabela, ito ay nakabase sa presyo ng mga pribadong buyers dito sa labas. Ngayon kasi ay naglalaro sa P20 pataas ang presyo ng binibenta ng mga aning palay. Kaya naman sa inilabas na ceiling price ng NFA Isabela ay hindi ito lalayo sa presyo ng nakalabas.

Sa ngayon ang bili sa mga dried na palay ay na nasa P21, habang ang mga fresh ay nasa P17.

Ayon kay Atty. Fabian, nananatili pa rin naman na prayoridad ang mga magsasakang dalawang ektarya pabababa ang sinasaka. Alinsunod ito aniya sa ordinansa ng provincial government ng Isabela upang masiguro na hindi ang mga private traders ang makikinabang lalo na kung mababa ang presyo ng mga private buyers.

--Ads--

Dagdag pa niya, isa ito sa mga paraan na nakikita ng kanilang opisina upang maiwasan ang natatanggap nilang reklamo hinggil sa mga magsasakang hindi nagbibigay ng kanilang ani palay lalo na kapag mababa ang presyo.

Samantala, sa ngayon may kakataasan ng presyo ng palay sa labas kung ikukumpara noong nakaraang anihan.

Ayon pa sa NFA Isabela, ayinaasahan na mas makakabawi kahit papaano itong mga magsasaka na nalugi mula sa kanilang nakaraang ani noong nakaraang bentahan.

Karaniwan naman na kung ganitong mataas ang presyo sa labas ay hindi na nagbebenta pa ang mga magsasaka sa NFA dahil higit na mas mataas ang presyo ng mga private buyers kaysa sa ceiling price na itinatakda ng gobyerno.