--Ads--
Pumanaw na ang OPM Legend na si Freddie Aguilar sa edad na 72 ngayong Martes, Mayo 27, 2025 sa Philippine Heart Center.
Ito ang kinumpirma ni Atty. George Briones ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) kung saan naging national executive vice president si Aguilar.
Siya ay ipinanganak noong February 05, 1953 at nagsimulang mag-compose ng mga kanta sa edad na 14 at kalaunan ay naging isang street musician bago sumikat sa folk clubs at bars.
Isa siya sa mga haligi ng Original Pilipino Music (OPM), dahil sa iconic nitong kanta na “Anak.”
--Ads--
Kilala rin siya sa kaniyang rendisyon ng “Bayan Ko”, na naging awit ng oposisyon laban sa Martial Law noong EDSA Revolution noong 1986.





