CAUAYAN CITY- Isinusulong ngayon sa Panlunsod na konseho ang isang ordinansa upang mapigilan ang paglaganap ng sakit na dengue ngayong panahon ng tag-ulan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sanguniang panlunsod Member Paolo Eleazar Delmendo sinabi niya na dahil sa niatatalang kaso na ng Dengue sa mga Paaralan ay minabuti niyang isulong ang isang ordinansang pipigil sa pagdami ng kaso ng Dengue sa Lunsod.
Sa ilalim ng City Ordinance ay papaigtingin ang monitoring sa mga Bahay kalakal, Paaralan at sa mga kabahayan para isulong ang paglilinis sa mga lugar na madalas pamugaran ng lamok.
Bibigyan din ng mandato ang City Health Unit and Sanitation at CENRO para pangunahan ang paglilinis sa Lunsod.
Bubuo din ng Dengue Task Force o Barangay Dengue Watch na pangungunahan ni City Mayor Ceasar Dy Jr. Katuwang ang City Health office, Liga ng Barangay at iba pang concerned agencies.
Nariyan din ang Dengue School Brigade na pangungnahan ng bawat school Principal habang ang PTA ay tatayong miyembro.
Layunin nito na matutukan at mabigyan ng kaniya kaniyang mandato ang mga concerend agencies upang tumugon at maaksyunan ang nakamamatay na sakit na Dengue.
Batay sa datos may ilang Paaralan na ang nakapag tala ng dengue case kaya nais nilang maagapan ito upang matiyak ang kaligtasan ng mga Mag-aaral sa mga Eskwelahan.