--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagsawaga ng pagpupulong ang City Council ng Lungsod ng Cauayan upang pag-usapan at bigyang solusyon ang problema sa langaw sa ilang lugar sa Lungsod dahil sa ilang mga poultry farms.

Matatandaan na sa nakalipas ay maraming mga residente ang nagrereklamo dahil sa pagdami ng langaw na nagmumula sa mga poultry fams pangunahin na tuwing harvest season.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sanguniang Panlungsod Member Miko Delmendo, Majority Floor Leader ng 9th City Council ng Lungsod ng Cauayan, sinabi niya na sa nasabing pagpupulong ay nagpahayag ng kahandaan ang isang pribadong kumpanya upang mapigilan ang pagdami ng langaw.

Isa sa mga inihain nilang solusyon ay ang ang paggawa ng ordinansa na may kaugnayan sa pagsunod ng mga poultry farms sa mga requirements at nag-aatas sa mga awtoridad na magsagawa ng monitoring sa mga ito upang matiyak na nasusunod ang mga do’s and don’ts poultry farm regulation.

--Ads--

Batay sa kanilang obserbasyon, hindi lahat ng poultry farms sa lungsod ay malangaw dahil ang ilan ay nakasusunod naman sa protocols kaya agad na naaagapan ang pagdami ng mga langaw.