--Ads--

Tutol ang Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) sa bayan ng Echague tungkol sa usaping pagpapatanggal ng purchase booklet ng mga senior citizens para ma monitor ang nabiling produktong may diskwento.

Ito ay kaugnay sa mungkahi ng mga mambabatas na dapat tanggalin ang booklet na requirement para maka discount sa mga bilihin ng mga senior citizen tulad ng gamot at gatas.

Ayon sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Marcelina Alzate, Ang Office of the Senior Citizens Affairs Chairman, aniya, hindi dapat tanggalin ang booklet dahil importante ito upang mas madaling ma monitor ng mga senior ang kanilang nabili.

Ayon pa kay OSCA Chairman, nakasanayan na ang pagkakaroon ng booklet kung saan ginagamit ito ng lahat ng myembro sa kanilang bayan kaya maninibago aniya ang mga senior citizen kung boigla itong ipatatanggal.

--Ads--

Malaking tulong umano ito dahil ipinapakita lang ito at makakakuha na ng 20% na diskwento sa kanilang bibilhin at maging sa kanilang pagpapagamot. Dagdag ni OSCA Chairman, hindi na sila dadaan sa iba pang proseso para mabigyan lang ng diskwento dahil Ang booklet na ang sagot sa lahat.

Dagdag pa nito, hindi naman mabigat ang booklet kaya kayang kaya itong dalhin ng mga senior citizen kahit saan man sila magpunta.