--Ads--

CAUAYAN CITY– Naging emosyonal si outgoing Governor Faustino “Bojie” Dy III sa pagpapasalamat sa suporta ng kanyang pamilya, mga pinuno at kawani ng Panlalawigang Kapitolyo sa kanyang huling State of the Province Address (SOPA) matapos ang ikatlo at huling termino bilang gobernador ng Isabela.

Sa Lunes, July 1, 2019 ay uupo na siya bilang bise gobernador habang ang papalit sa kanya ay si outgoing 1st district Congressman Rodito Albano.

Sa kanyang huling SOPA ay inisa-isa ni Gov.Bojie Dy ang mga proyekto at programa na nagdulot ng pagbabago sa antas ng pamumuhay ng mga Isabelenio gayundin at mga parangal at pagkilala na bunga ng mga isinakatuparang programa ng kanyang administrasyon.

Kabilang sa mga ito ang itinatag nila noon ni dating Vice Governor Rodito Albano na Bojie Rodito Opportunities (BRO) Program na naghahangad ng de kalidad na pamumuhay ng mga Isabelenio.

--Ads--

Ito aniya ay nag-iisang pinakamalaki at pinakamalawak na programa sa kasaysayan ng local governance sa bansa at gustong gayahin ng ibang Local Government Unit (LGU) sa bansa.

Sa nakalipas na 7 taon na pagpapatupad aniya sa BRO program ay napakaraming natulungan sa sector ng mga mahihirap, marginalized na magsasaka, mga kooperatiba, mag-aaral, matatanda at maliliit na negosyante.

Ipinagmalaki rin ni outgoing Gov. Bojie Dy ang mga natanggap na pagkilala at awards dahil sa maganda at maayos na pamamahala.

Kabilang dito ang pagiging hall of famer ng pamahalaang panlalawigan sa Seal of Good Local Governance (SGLG) na pinakamataas na parangal na iginagawad ng Department of the Interior and Local Government o DILG sa mga LGU na may mabilis at maayos na serbisyo at pagpapatupad ng mga programa para sa ikabubuti ng mga mamamayan.

Naging hall of famer din ang isabela sa Gawad Kalasag award para sa mahusay na paghahanda sa kalamidad maging sa Anti-Red Tape implementation at sa Best Festival Performance and Practices sa Bambanti Festival.

Ang DILG at Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ay binigyan ng pagkilala ang Isabela na kaisa-isang lalawigan sa region 2 na nasa top 5 Most business friendly LGU sa loob ng pitong taon at Most business friendly towards micro small and medium enterprises.

Binanggit din ni outgoing Gov. Dy ang mga malaking pagbabago ng serbisyo sa mga ospital na pinapatakbo ng pamahalaang panlalawigan lalo na sa Gov. Faustino N. Dy Memorial Hospital gayundin ang mga ipinatupad na proyektong pang-imprastraktura tulad ng pinag-uusapan na 82 kilometer Ilagan-Divilacan road rehabilitation project.

Ang tinig ni Outgoing Gov. Bojie Dy