--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot sa P17.2 Milyon na halaga ng Marijuana Plantation ang sinira ng mga otoridad sa Loccong, Tinglayan, Kalinga.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCpt. Ruff Manganip, Spokesperson ng Kalinga Police Provincial Office sinabi niya na aabot sa anim na plantasyon ng Marijuana ang sinira ng Lumin-awa Cops sa kanilang tatlong araw na implementasyon ng Marijuana eradication sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga mula ika-dalawamput apat hanggang dalawamput anim ng Hunyo, 2024.

Katuwang ng Kalinga PPO sa nasabing operasyon ang mga operatiba ng ibat-ibang Drug Enforcement at PNP Units sa lalawigan.

Binunot at sinunog ng mga otoridad ang nasa 86,000 na fully grown marijuana plants sa 5,400 square meters na taniman at tinatayang nagkakahalaga ng P17,200,000.

--Ads--

Ayon kay PCpt. Manganip walang naabutang cultivator o may-ari ang mga otoridad nang sila ay dumating sa lugar bagamat nakita rito ang mga kubo na ginagamit ng mga ito.

Sa ngayon nagpapatuloy ang pag-alam ng pulisya kung sino ang may-ari ng mga plantasyon ng marijuana.