--Ads--

Nakasabat ang mga operatiba ng Bureau of Customs, National Bureau of Investigation, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Huwebes ng mga pinaghihinalaang iligal na droga na nagkakahalaga ng P2.64 bilyon sa Port of Manila.

Sinabi ng BOC na ang kargamento mula sa Karachi, Pakistan ay idineklara na naglalaman ng Crispo Vermicelli at Rafhan Custard Sauce, na ipinadala ng Ayan Enterprise/Trading & Logistics at na -consigned sa Redshinting Consumer Goods Trading.

Ang Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ay naglabas ng alerto laban sa kargamento matapos makuha ng mga awtoridad ang impormasyon mula sa NBI. Ito ay humantong sa pagkatuklas ng 407 pack ng white crystalline substances na nakatago sa mga kahon.

Samantala, idinetalye ng direktor ng CIIS na si Verne Enciso ang tungkol sa isinagawang pinagsanib na operasyon.

--Ads--

Aniya nasa 698 na mga kahon ang kargamento at 58 kahon ang positibong naglalaman ng pinaghihinalaang Shabu na aabot sa 404.9515 kilos.

Ayon kay Deputy Commissioner for Intelligence Group Juvymax Uy, ang pinaghihinalaang Shabu ay opisyal na na-iturnover sa PDEA para sa pagsusuri sa laboratoryo at pag-iingat alinsunod sa mga probisyon ng Republic Act No. 9165.

Ang District Collector, POM ay naglabas naman ng isang warrant of seizure at detensyon laban sa subject ng shipment para sa paglabag sa section 118, 1113, at 1400 ng CMTA.

Ang mga consignee, sender, at mga recipient ng kargamento ay mahaharap sa mga kaso sa ilalim ng customs law sa paglabag sa Section 118 (prohibited importation and exportation) at Section 1400 (misdeclaration) in the goods declaration in relation to Section 1113 (property subject to seizure and forfeiture) of the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).