--Ads--

Inanunsyo ng Department of Energy (DOE) ang panibagong taas-presyo sa gasolina, diesel, at kerosene simula bukas, Martes, Marso 24. Tataas ang presyo ng gasolina ng P6.47 kada litro, diesel ng P11.88 kada litro, at kerosene ng P13.66 kada litro.

Ayon sa DOE, bahagyang humupa ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado sa mga nakaraang araw, ngunit patuloy pa rin ang kahilingan sa mga oil company na ipatupad ang staggered price increases. Binanggit na nagdudulot ito ng nawawalang kita dahil pabagu-bago ang presyo ng petrolyo dulot ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Tiniyak ng DOE na sapat ang imbakan ng langis hanggang unang linggo ng Mayo habang dumarating ang karagdagang deliveries. Ang pagtaas ng presyo sa global market ay bunsod ng ultimatum ni US President Donald Trump sa Iran na buksan ang Strait of Hormuz sa loob ng 48 oras, at babala ng Israel na magpapatuloy ang digmaan ng ilang linggo.

Samantala, inihayag ng Petro Gazz na may ilang istasyon ng gasolina ang magbababa ng presyo ng diesel at gasolina ng P5 kada litro habang nagpapatuloy ang ibang kumpanya sa kanilang price increases.

--Ads--