CAUAYAN CITY – Aabot sa P8.5 million ang halaga ng mga nasirang fully grown marijuana sa Tinglayan, Kalinga.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Ruff Manganip, tagapagsalita ng Kalinga Police Provincial Office, sinabi niya na naglunsad sila ng operasyon sa kanilang Marijuana eradication sa dalawang barangay sa bayan ng Tinglayan.
Aniya, umabot sa 2.5 square meters na taniman ng Marijuana ang kanilang nasira sa barangay Buscalan.
Ang naturang lugar ay itinuturing na communal area at malayo na sa kabayanan.
Hindi ito ang pinakamalaking accomplishment ng Kalinga Police Provincial Office dahil nakapagtala na sila ng P100 million na halaga ng nasirang marijuna sa kanilang marijuana eradication program sa mas malalawak na plantasyon sa mga kabundukan.
Madalas ding nakakapasok ang shabu sa lalawigan kapalit ng kinukuhang marijuana.